Biyernes, Pebrero 18, 2011

TALAMBUHAY NI CHRISTIAN GIMUELLE GAURANO CIERTE






(KWENTO NG SIMPLENG BINATA NA MAY SIMPLENG BUHAY)



ang pogi ko noh??? nung bata ako>>>???
Buwan ng mga Santo nang ako ay pinanganak, Mayo 21, 1995. Binigyan ako ng aking mga magulang ng pangalan na Christian Gimuelle G. Cierte. Siguro,kaya ako binigyan ng ganitong pangalan ay dahil sa buwan ng mga santo ang aking kapanganakan. Wala pa kami noong sariling bahay, kaya pansamantala kaming nakikitira sa bahay ng mga lolo at lola ko. Sabi sa akin ng aking  mga magulang,hindi daw masyadong nahirapan ang aking ina na si Mylene Gaurano sa pagluluwal niya sa akin dahil sa normal daw ako at hindi sisaryan. Syempre dahil din sa nandoon ang aking ama na si Galileo Cierte na bong loob na sinusuportahan at pinapalakas ang loob ng aking ina nang araw na iyon. Tuwnag-tuwa ang aking ama ng ako ay makita. Nang matapos na akong linisan ng mga nurs,dinala agad ako sa tabi ng aking ina. Di mawari ang kanyang emosyon,naluha siya pero ito ay dahil sa masayang masaya siya. Isa daw akong malusog at gwapong bata,may maliit na ilong,may matambok na pisngi at may maganda at nakakaakit na mga mata.
that's ne on my 1st b-day
that's my pic. on my 2nd b-day
Masayang masaya talaga ang aking mga magulang nang ako ay dumating sa kanilang buhay. Pero mas lalo itong sumaya nang ako ay mag isang taong gulang. Naghanda sila dahil ito ang kauna unahang kaarawan ko. Nagging abala ang lahat sa paghahanda ng mga pagkain. Tulong tulong silang nagluto,naghanda ng mga  upuan at lamesa para sa mga bisita. Uso pa noon ang mga superheroes, kaya binilhan ako ng aking ama ng damit na tulad ng kay Superman. Maraming dumalo sa kaarawan ko,kasama na ditto ang aking ibang mga kamag anak. May dala silang mga regalo para sa akin. Maraming nagging palaro para sa mga batang dumalo. May patukluhan,palayok at iba pa. Tuwang tuwa ang mga bata dahil maramin ang papremyo para sa mga mananalo. Natapos ang araw na nakangiti ang bawat tao sa inihandang kasiyahan. Syempre,kasama na ditto ang aking mga magulang na naghanda at nag asikaso para ditto.
ganda ng ngiti ko noh??;))
Noong dalawang taon naman ako, ipinaghanda ulit ako ng aking mga magulang. Pero hindi ito magarbo di gaya noong isang taon palang ako. Isang maliit na salu salo lang ang inihanda nila para sa ain. Pero dinala nila ako sa Enchanted Kingdom, ito daw ang regalo nila para sa akin. Lumipas ang ilang taon, may isang pangyayari sa buhay ko na hinding hindi ko talaga malilimutan. Ito ay nung ako ay na dengue noong apat na taong gulang palang ako. Dinala nila ako sa maynila upang maipagamot. Syempre nalungkot at nag alala ang aking mga magulang dahil 50-50 na daw ako noon. Ilang araw din kaming nanatili doon sa maynila. Sa awa naman ng Diyos,gumaling din naman ako. May ipon naman kahit papaano ang aking mga magulang at ito ang ginamit nila upang maipagamot ako at yung natira ay pinagpagawa ng bahay naming sa Sta. Catalina. At kung iisipin nyo, mas mahalaga ang buhay ng iyong anak kesa sa salapi.
picture ko nga pala noong ako ay nag 7 taon
Gaya ng ibang mga bata, kapag ikaw ay nag pitong taong gulang, may inaasahan kang ‘party’ para sa iyo. Nagging Masaya naman ako dahil meron. Binilhan ulit ako ng aking ama ng ‘costume’ pero ito ‘batman’ naman. Dati kasi favorite kong chartoon character ay si batman kaya ayon ang binili nya sa akin. May clown nung pitong taon ako,nagpakita ng mahika, nagpatawa, nag sayaw at kung ano ano pa na ikinatuwa naman ng mga nagsidalong mga bata.
Sa kabilang banda, noong bata ako, madalas akong kunin para umabay at sumagala. Dahil noong bata ako,hindi naman sa pagmamayabang,gwapo ako noon kaya lahat ng nakakakita sa akin ay pinipisil ang pisngi ko.pumasok ako noong kinderat grade one sa mababang paaralan ng Sta. Maria,at nagpatuloy sa Sta. Catalina Elementary School. Magaling ako noon sa akademya noong bata ako, naging 1st noong kinder 2nd noong grade one 3rd noong grade two hanggang sa mawalan na ako nang place. Siguro kaya ako nawalan ng place kasi ang nasa isip ko palang noon ay paglalaro,paglalaro lang ng paglalaro. Kung di pa nga ako paluin ng aking ama,hindi ako mag aaral.
Isang araw noong naglalaro kami ng mga kaibigan ko,aksidenteng nasabit ang aking kamay sa alambre. Di ito matanggal sa pagkakasabit,kaya tinawag ng mga matatandang nakakita ang aking ama. Nang matanggal na ang aking kamay sa pagkakasabit,dinala agad ako sa ospital dahil dugong dugo. Takot na takot ako noon dahil sabi sa akin ng mga matatanda doon na lalabas daw ang kinain ko at pati na rin ang aking buto. Sabi naman ng aking ama wag daw akong maniwala sa sinasabi nila dahil did aw iyon totoo. Nang nakaratng na kami sa ospital tinahi agad ang bukang sugat sa aking kamay..hanggang sa gumaling na ito..
ako kasama yung kapatid ko!!
Isang pangyayari din sa aking buhay na hinding hindi ko malilimutan ay noong nagkagusto ako sa isang magandang babae na nagngangalang Roann. Si Roann ay pinsan ng kalaro ko dati sa amin. Hindi sya taga amin at unang beses ko palang sya nakita noong gabing iyon. Tinanong ko siya kung bakit siya nandoon at kung doon na sya titira. Sabi nya sa akin…pumunta lang daw siya doon upang dumalo sa kasal ng kanyang tiyuhin at hindi din daw siya magtatagal doon. Nalungkot ako sa sinabi nyang iyon dahil syempre ito ang unang beses na nagka-crush ako. Sa pagkakataong ito, naramdaman ko ang pagbabago sa  aking sarili di lamang sa pisikal kundi sa mental na din. Sabi nila ang pagiging tunay na binata ay kung TULI kana. Kaya noong bakasyon bago mag grade 4 nagpatuli na ako.. Sa totoo lang hindi masakit ang magpatuli,mas masakit pa nga ang maglanggas…(wag nang itanong kung bakit!!)
kame noong nagtapos ng elem.
Sa kabilang banda, nalulungkot ako dahil sa palagay ko may kulang pa sa aming pamilya. Magiging Masaya kung ako ay may kapatid,kung may kakulitan,kaasaran,kalambingan at kung ano ano pa. nagkaroon ako ng kapatid noong Setyembre 18 2002.                                                              Sa palagay ko kaya ang pangalan ng aking kapatid ay Ma. Dezalene.dahil siguro, sinunod ito sa pangalan ng aking lola na si lola Lordez na namatay bago pa ipanganak ang aking kapatid. Nalungkot lahat bawat isa sa aming pamilya. Lalo a ako, bago pa ilibing ang aking lola iyak ako ng iyak dahil di ko nasulit ang bawat sandal na kasama ko ang aking lola. At hinayang na hiayang ako doon..
Apat na taon palang ang kapatid ko nang ako ay makatapos ng elementary. Sabay kaming natapos, siya ay kinder at ako ay grade 6. Dinala kami n gaming ama sa Jollibee upang magdiwang. At masayang Masaya ako nang ako ay nakatapos dahil sa palagay ko, pagtungtong ko ng first year, magiging kapana panabik ang mga araw na ipapasok ko.
ako kasama ang pinsan at kapatid kong babae noong 7th b-day nya
Nag aral ako nang highschool sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool.. at naging section A. maraming bagong muka akong nakita, nakilala, naging kaibigan at nakasama sa bawat kalokohan. Pagdating ng second year, maraming nagbago,nawala ang iba naming kaibigan dahil sa lumipat ng paaralan. May nadagdag, pero iba parin ung pakikipagdamayan nyo noong mga nawala. Marami din kaming sinalihang patimpalak. May nanalo may natalo, gaya nang lumaban kami sa Florante at Laura, Ibong Adarna, Nutri Jingle 1st year and 2nd year field demo. Nanalo kami sa lahat ng yon pero hindi lahat first. Pero ganon pa man, Masaya na rin kami, kahit na pahirapan noong una, tuloy pa rin sa pag eensayo. Suko na ang nagtuturo di parin nagtitino. Pero dahil sa pagkakaisa namin at pati narin sa awa sa mga nagtuturo, nagawa naman naming manalo..
Noong 3rd year naman, bago pa magsembreak, may isang babae na nag add sakin sa facebook. Nagsent kami ng private messages sa isat isa. Tinanong ko cp number nya at binigay naman nya ito sa akin. Pagkatapos, nagkwentuhan kami tungkol sa kanya kanya naming buhay. Sinabihan ko sya ng mga sweet na salita, hanggang sa mahulog na ang loob nya sa akin. January 18 2009, nag karoon ako ng kauna unahang “GF”. Pero dahil sa hindi ako sanay na may karelasyon at dahil din sa hindi pagkakaunawaan. Naghiwalay din kami makailang araw pagkatapos ng aking kaarawan. 15 taon ako noon. Syempre tulad ng ibang tao na nagmamahal, masakit para sa akin ang makipag hiwalay sa un among minahal..
class pic. namen noong third year
Nagkaroon kami ng fieldtrip noong 4th  year. Sumama ang iba kong mga kaklase at ako. Sumama din noon yung crush na crush ko simula pa noong 3rd year. Noong una, hindi ko pinapakita ang pagmamahal ko sa kanya dahil sa meron pa siya noong kasintahan. Ayoko naming mag away sila ng dahil sa akin. Noong uwian na matapos ang fieldtrip, pagod ang lahat, pinatay ang ilaw ng bus. Di ko namalayan na nakatulog pala ako. May naramdaman nalang ako na mainit na palad na nakahawak sa kamay ko. Nong una, di ko ito pinansin dahil akala ko kung sino lamang iyon. At nang nangawit na ang kamay ko, tiningnan ko kung sino ang humawak ng aking kamay. Nagulat nalang ako nung makita kong ang humawak ng aking kamay ay yung taong cruh ko. Pagbaba nmin ng bus, bago pa kami magsiuwi sa kanya kanya naming mga bahay, tinawag ako nung crush ko at sabi nya sakin.. ”ingat ka mahal ko!!” syempre napangiti ako, di ko pinahalatang ako ay kinilig. Tuwang tuwa talaga ako nung malaman kong may gusto din pala sya sa akin. Pero dahil nga sa may karelasyon pa siya noon, kaya di ko pa sya maligawan.
 At nang ako ay naging 4th year, ako ay masaya na malungkot. Masaya, dahil gagraduate na ako at gusting gusto ko nang pumasok sa college. Malungkot, dahil magkakahiwa hiwalay na kaming magkakaklase, kaming magkakaibigan. Pero kahit ganon, maaalala ng bawat isa sa amin ang mga magagandang pangyayari na magkakasama kami. Gaya ng paglolokohan, asaran, damayan kapag may nabigo sa pag ibig, kopyahan kapag may exam. Lahat ng ito ay maalala ng bawat isa sa amin. At ngayong 4th year ko nakilala ng lubusan ang babaeng nagpatibok muli ng aking puso na minsan nang naging bato. Ang babaeng ito ay yung taong crush ko noon pang 3rd year. At noong araw na magpakita sya ng pagmamahal sa akin, doon ko sinimulan ang aking Da’Moves pagdating sa ka sweetan. Di ako nanligaw noon sa kanya, text text lang kung baga. December 18 2011,araw ng sabado ganap na mag aalas-syete ng gabi. Narinig ko ang matamis na oo na aking minimithi.(ay hindi pala,,ako pala ang sumagot sa kanya =P)
family picture namen...










 Sa pagtatapos ko ng 4th year, sanay mas dumami pa ang mga magagandang pangyayari sa aking buhay… at kung maibabalik ko lang ang oras, nais ko muling lasapin ang mga panahong magkakasama kami ng aking mga kaeskwela…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento