Biyernes, Pebrero 18, 2011

Ang Talambuhay ni Claudine Ramirez (Ang taong may positibong pananaw sa buhay)

Larawan ko noong sanggol pa lamang kasama ang aking ina.
    Ika-labindalawa ng Mayo,taong 1994 noon ng ako po ay ipinanganak sa bayan ng San Pablo sa Pandistritong Ospital.


    Ang aking tunay at buong pangalan ay Claudine Leonor Ramirez.Bininyagan sa Our Lady of Pillar's Parish na isa pong simbahang katoliko sa kabayanan naman po ng Alaminos noong Disyambre 25,taong 1994 din.Mayroon po akong tatlong kapatid na pinangalanang Jessa,isang 23 taong gulang at panganay sa aming apat na magkakapatid na sinundan naman po ni Jerald,18 taong gulang at nag-iisa naman naming lalaki;At ang bunso po naman namin na si Joyce ay 15 taong gulang na.


    Isang driver ng trycicle po ang aking ama ngayon na si Pablito o mas kilala sa amin bilang si Pab's.At ang aking butihing ina naman po na si Editha o Edith ay may maliit na kainan.Bagamat ang buhay po namin ay nabibilang sa mataas na antas ay nagawa naman nila kaming papag-aralin lahat,na akin pong ipinagpapasalamat.


    Libangan ko ang paminsn-minsang pagguhit at pagsulat sa aking diary.Hilig ko naman ang kumain ng kamatis na di luto.Gustung-gusto ko itong kainin kahit may asin at toyo man o wala.Paborito kong pagkain ang brownies at pizza.Peras naman ang gustung-gusto kong prutas.


Larawan noong ako ay umabay sa kasal.
    Kung tatanungin ang mga kasama ko sa bahay,matagal raw akong maligo at ganoon din sa pagkain.Noon,di ako pala-sama sa mga kasiyahan ng aking mga kaklase.Pero ngayon ay ayaw ko ng napag-iiwnan ako ng masasayang pangyayari.Ngunit kapag ako naman ay nasa amin,hindi ako madalas lumabas ng bahay.Mas gusto kong nasa bahay lang lagi kahit mag-isa ako lalo na pag may radyo at telebisyon naman.Kaya ko talagang di lumabas ng bahay kung wala din namang dahilan para lumabas ako.Inaabot naman ako ng gabi kapag ako ay gagala.Gusto ko kasing tuloy-tuloy ang gala ko kapag nagsimula na ito.At kapag hindi pa ako pagod.


    Bata pa kami ay isa ng sundalo ang aking ama.At nakakaluwag kami noon sa buhay.Pero,gusto na aking ina na itigil na niya ito.Sinunod naman ng aking ama.Dahil dito,nawalan siya ng pagkakakitaan.Tanging pagwe-welding lang ang ikinabubuhay namin.Ngunit di ito sapat dahil naman lagi ay may ginagawa.Hidi naging madali ang pamumuhay namin dito sa Laguna.Kaya naman,naisipan ng aking mga magulang na subukan ang aming kapalaran sa Mariveles,Bataan,sapagkat dito naman po nakatira ang mga magulang ng aking ina ay tinulungan naman po kami ng aking lolo at lola doon.


    Narito rin naman po ang dalawa sa tatlong kapatid ng aking ina kaya hindi kami masyadong nahirapan.At sa pagdaan po ng mga araw aynagkaroon po ng trabaho muli ang aking ama.Nakapasok po siya sa Asialine na isang pagawaan ng mga inaangkat na bag.At ang aking ina naman po ay gumawa ng pwesto sa harap ng boarding house ng aking lola at nagtitinda doon ng merienda.Naging mabili naman po ito sa awa ng Diyos.Samantala,kami naman po ng aking mga kapatid ay dito nag-aaral ay halos dito na rin ako nagkamuwang at nagka-isip nang lubusan.


Ang aking larawan matapos kun sumayaw.
    Sa Brgy.Poblacion Day Care Center ako nagsimulang mag-aral,mga taong 2000 pa noon.May 8 taong gulang ako nang ako ay nakapag-aral sa halip na pitong taon pa lang po dapat.Ito ay sa kadahilanang naiwan po ang aking mga sertipiko ng kapanganakan sa Laguna na hindi po naman nakaabot agad ng ako ay mag-eenroll na.Kaya wala po kaming nagawa kundi paliasin muna ang isang taon.



    Sa tulong naman po ng sipag at tuyaga ay nakatapos ako na may pinakamataas na karangalan noong Abril,taong 2001.Naging masaya na sana ang elementarya ko sa Antonio G.Llamas Elementary School;o mas tinatawag naming AGLES kung di lang sa di magandang pangyayaring nagdaan sa akin,at sa aming pamilya noong ako ay nasa ika-tatlong baitang.Nagkasakit ang aking ina at di pa nalaman agad ng ilang doktor na kaniyang pinuntahan ang tunay na dahilan ng kanyang karamdaman.Tinanggalan siya ng Appendix sa pag-aakala ng doktor na appendicitis ang sakit niya.Labas-pasok po ang aking ina sa ospital ng mga panahong iyon dahil di pa nga malaman ang tunay niyang sakit.

    Ipinadala siya sa ospital ng Balanga,Bataan at ibinalik po siya sa Laguna upang ipagamot sa kahit anong ospital dito.At kami naman po na aking mga kapatid ay naiwan pa rin sa Mariveles.Pinupunta-puntahan lang po kami ng aming ama noon upang tingnan an aming kalagayan at para kumuha siya ng mga gamit na dadalhin sa ospital.Kahit papaano naman po ay tinitingnan-tingnan din kami ng mga kapatid ng aking ina pati na rin po ang aking lolo at lola kahit na sila ay may mga pinagkaka-abalahan din sa buhay at nag-aalaga din sa dalawa ko pang pinsan.

    Nagkaroon po ng Family Day noon sa aming paaralan.At tandang-tanda ko pa ang araw na iyon na dapat po sana ay pang-pamilya.Ako ay nag-iisa dahil nasa ospital po ang aking ina noon at ang aking ama naman po ay laging nagbabantay sa kanya ay hinatid lamang po ako,sinamahan sumandali,at umalis na ulit upang puntahan ang aming ina.Inihabilin niya ako sa isa sa mga ina rin na aking kamag-aral noon na si Janine.Hindi naman po nila ako pinabayaan na akin ding ipinagpapasalamat.

    Hindi maiwasang di kami umiyak noon lalo na po kapag nagsasalita ang aming ina na pakiramdam daw niya ay kukunin na po siya ng Diyos.Wala naman po kaming magawa ng mga panahong iyon kundi ang magdasal sa maaga niyang paggaling.Sa awa naman o ng Diyos ay gumaling siya pagkaraan ng ilan buwan.Napag-alamang siya pala ay mayroong tinatawag na Mayoma.Halos isang kamao nga raw po ng tao ang tinanggal sa kanya ng sya ay operahan.Pagkatapos po ng operasyong iyon ay nagpatuloy naman po ang kanyang paggaling.Napakabuti po talaga ng Panginoon at di niya hinayaang mawalan agad kami ng ina.

    Muling bumalik ang saya sa aming pamilya.Mas napalapit kami sa Panginoon matapos ang lahat ng pangyayaring iyon.Bumalik din ang sigla ko sa pag-aaral.Naging napakasayang muli ng aking buhay lalo na nangmakilala ko si "Jbie",di niya tunay na pangalan.Magkaklase kami noong nasa ika-anim na baitang na kami.Hindi kami masyadong nag-uusap ni Jbie noon.Naiilang ako sa kanya at naiilang din siya sa akin marahil.Nang lumipas ang buwan at araw ay medyo nagkaka-usap na din kami.Minsan nga ay nagkakabiruan pa kami at nagkukulitan pa.Magka-row kami noon,at ako ay nasa kauna-unahan,samantalang siya ay pangalawa sa huli.Sa tuwing dadaan siya ay lagi niya akong kinukulit na di ko naman ikina-inis.Minsan pa nga ay napag-tripan niyang kunin ang scarf ko.Hindi ko ito nabawi sa kanya,kaya naman noong may pagkakataon ako ay nakuha ko rin ang scarf niya,na hanggang ngayon ay nakatago pa rin sa akin.Ang lahat ng mga pangyayaring ito,kasama rin ang iba pang masasaya kong araw.Noong ako ay nasa ika-6 na baitang,ay isinulat ko sa diary ko ang mga pangyayaring iyon.

Noong ako ay nagtapos.


    Doon sa rooftop ng lola ko ay may bubong pang semento at doon ako madalas nag-iisa at nagsusulat sa diary ko.Pero kamakailan lang ay sinunog ko na ito para di ko na siya maalala pang muli.Alam ko kasing di na babalik ang dati at ayaw kong umasa pa.Di man naging kami noon ay nagkaroon din ako ng espesyal na pagtingin sa kanya.Sa katunayan ay gusto niyang makipagsulatan sa akin noon.Ngunit ako raw ang mauna.Dahil sa di ako yung ganoong babae ay di ko ginawa iyon.At dahil siya rin naman daw ang may sasabihin sa akin ay dapat talagang mauna siya.Matapos iyon ay di na niya ako masyadong kinukulit.At dahil malapit na ang graduation day ay lumipas na iyon hanggang sa di pa rin kami nag-uusap.Di ko rin alam kung anong gusto niyang sabihin noon.At ganoon nga ang nangyari,di man naging kami sy siya na yata ang perslab ko.Hanggang ngayon kasi,matapos ang ilang taon ay di ko pa rin siya nakakalimuan.Sabi nga,"First Love,Never Dies".Doon na kami natapos dahil umuwi na kami dito sa Laguna.

  Dito na ako sa Laguna nag-aral ng buong hayskul ko.Napakahirap makisamang muli matapos ang ilang taong pagtira namin doon sa Bataan.Talagang bawat makaka-salubong ko noon ay bago sa aking paningin.Nahirapan din akong makisamang muli sa mga kamag-anakan namin dito.Sa pampublikong paaralan ako ng lungsod ng San Pablo nag-aaral.Kilala ang paaralang ito sa San Pablo bilang Col.LAuro D.Dizon Memorial NAtional High School o Dizon High.Dito ako nakakilala ng mga permanenteng masasamahan na tinatawag na kaibigan.Dito ako naging masaya at dito ako lubusang nagbago sa pag-iisip at sa personalidad.Sa katunayan nga ay nanibago sa akin ang halos lahat ng mga kamag-aral ko noon sa Mariveles nang makita nila ako sa Facebook at maka-text.

    Masasabi kong maganda ang aral dito sa tulong na rin ng aking mga mahuhusay na guro.Nagbubunga naman ang pag-aaral ko dito.Di man ako nagiging pinakamataas sa klase ay lagi naman akong kasama sa Top 10 ng kabuuang markahan.Nagtataka nga ako dahil di naman ako ganoon katalino.Subalit ngayong nasa ika-apat na antas na ako ay di na ako umaasang mapapabilang pa ako sa Top 10.Graduating na ako ngayon at di ko hahayaang di ko magamit ang aking mga natutunan sa labing-isang taon kong pag-aaral.Sisikapin kong makapag-kolehiyo.

    Simple lang naman ang pangarap ko,ang makapagtrabaho sa isang magandang kumpanya balang-araw at magkaroon ng magandang sweldo,na maaari kong maipantulong sa pangangailangan ko at ng aming pamilya.Dahil noon pa man ay pangarap ko rin pong matulungan ang aking pamilya lalo na ang aking mga magulang.Gusto kong danasin nila ang masagana at maluwag sa pinansiyal na buhay.

    Sadyang napaka-mapaglaro ng kapalaran sa aking buhay.Madalas naman akong masaya,ngunit talagang di maiiwasan ang mga pagsubok at kabiguan sa buhay ko.Minsan akala ko 'yun na pero di pa pala,akala ko mangyayari nga pero di naman pala.Minsan akala ko siya na pero may dadating pa marahil.Mahirap magsalita ng tapos.Puno ng surpresa ang buhay.May magaganda at may masama.

    Sa tulong ng Diyos ay nalalampasan ko pa naman ang lahat ng di magandang pangyayari...

Ang kasalukuyan kong larawan,ganda di'ba?
 

    
 
    


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento