Sabado, Pebrero 19, 2011

Sa Likod Ng Mga Ngiti -- (TALAMBUHAY ni Reychelle Exconde Populi)

Bisperas ng kapistahan sa bayan, sa saktong petsa ng Enero 14, 1995 nang isinilang ang panganay nina Maricel E. Populi at Reynaldo D. Populi sa malaking ospital ng San Pablo City. Naging maayos ang panganganak ni Maricel bagama't ito'y cesarian. Noong una naging mahirap ito para sa kanya dahil ungng beses nya manganak. Ngunit noong nakita na nya daw na malusog at maganda ang kanyang panganay ay nawala lahat ng pagod at hirap na dinanas niya.
Noong ako'y nag-isang taon

Reychelle Exconde Populi, ang kabuuang pangalang ibinigay sa akin. Kinuha ito sa pinagsamang pangalan ng aking ama at ina. Echel naman ang palayaw at nakasanayang tawag sa akin ng mga taong malalapit sa akin. Isang taon pa lamang ako noon ay isa na akong masayahing bata. Lalo na nung 1st Birthday ko. Pagsapit ko naman ng dalawang taon ay iniwan ako ni mame sa piling nina lola sapagkat ang aking ina ay nag-aaral ng midwifery nung panahong yon at ang ama ko naman ay security guard sa Land Bank sa Lalawigan ng Batanggas. Makalipas ang isang taon ay kinuha na nila ako at doon na kami tumira. 
Larawan ko noong 2 taon ako
Nag-simula na din akong pumasok sa taong yon bilang salimpusa sa isang Day Care Center. Pumapasok ako noon na may dalang tsupon at umaawas ako kung kelan ko gusto. Nag-kinder1 ako sa edad na apat na taon sa Batanggas State University.
Isa akong bibo at matalinong bata kaya naman bata pa lamang ako ay ang dami ko nang nakakamit na mga awards. Sa unibersidad ding yon ako pumasok ng Grade1 at Grade2. Ngunit lumipat ako noong nasa ikatlong baitang na ako sa St.Mary Eufracia Montessori, isang pribadong eskwelahan na malapit lamang sa bahay namin. 
Bagama't transferee lamang ako noon ay ang dami ko nang sinalihang mga patimpalak sa loob at labas ng eskwelahan. Nakasali din ako sa top bilang 4th Honorable Mention. Nang tumuntong ako sa Ikaapat na Baitang, mas lalong dumami ang mga patimpalak na sinalihan ko, minsan panalo, minsan talo pero ayos lang yun. Mas nag-pursige pako sa pag-aaral kaya naman nakasama ulit ako sa top at naging 1st Honorable Mention. Kasama ko sa tagumpay na iyon ang aking bestfriend na si Vanessa Mae P. Castillo. Nasa kanya na lahat nang katangian na hinahanap ko bilang isang kaibigan, mabaet, masaya kasama, matulungin at higit sa lahat mapag-kakatiwalaan. Lagi syang nakasuporta sa akin at mayroon kaming pag-kakaintindihan kaso may pag-kakataong nag-aaway kami peromabilis din naman kaming nag-kakaayos dahil kailangan sa isang mag-kaibigan ang pag-uunawaan sa lahat ng bagay.
bestfriend ko (VANESSA)
Nang Ikalimang Baitang na kami, mas lalo akong nag-aral ng mabuti dahil sa mahal ng tuition fee. Sa taong din yon naranasan ko ang hirap ng buhay, naranasan naming maputulan ng kuryente, maging ang pag-hingi ng promesory note dahil sa hindi mabayaran ng aking magulang ang tuition fee. Naranasan din namen ang mag-palipat-lipat ng tirahan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nakaraos naman kami. At iyon ay sa tulong ng aking lola, ina ni mame.Akala ko naman tapos na lahat ng problemang aming nararanasan, ngunit hindi pala. Dahil sa murang edad ko pa lamang ay nakita ko na ang palagiang pambubugbog ni dade kay mame. Pero dahil sa bata pa nga lamang ako, wala akong nagawa, hindi ko maipag-tanggol si mame.
Pag-sapit ko naman ng Ika-anim na Baitang, ganun pa din. Palipat-lipat pa din kami ng tirahan. Palagi pa ring nag-aaway sina mame at dade hanggang sa mag-hiwalay sila. Mag-bibirthday ako noon nang mangyari yon. Tandang-tanda ko pa nga noong ibinili ako ni dade ng cellphone para maitext ko siya. Naging mahirap samen ng kapatid kong matanggap na wala na kaming tatay pero nag-sumikap pa din si mame na mag-trabaho para may ipantustos siya sa araw-araw na gastusin. Makalipas ang ilang buwan, ang saya ko kasi bumalik si dade galing Manila. Doon siya nag-trabaho at naging maayos na din ang buhay namin.
Mas lalo akong sumaya noong grumaduate ako sa Elementarya, bagama't may halong lungkot masaya pa din ako dahil nakamit ko ang 3rd Honorable Mention.

Noong nagtapos ako sa Elementarya
Pumasok ako ng High School sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School, isang pampublikong paaralan sa San Pablo City. Mas pinili kong lumayo sa pamilya ko para iwas sa problema at gulo, para na rin makapag-aral ako ng mabuti. Naging ayos na din ang buhay ng pamilya ko sa Batanggas kasi si dade ay naging Branch Manager sa Star Ads INC. Nagkaroon kami ng sasakyan noon. Ang tagal din ni dadeng nag-trabaho don pero natanggal siya gawa ni mame. Muntik pa nga akong mag-transfer noon pero dahil sa hindi ko pa nakukuha ang FORM137 ko dun sa pinasukan ko nung elementarya, hindi ako nakapag-transfer. Si lola ang gumawa ng paraan para mabayaran ko ang balance sa school.
Pag-tuntong ko sa 2nd year, akala ko matatahimik na ako pero hindi pala. Isa na namang pag-subok ang nag-patatag sa relasyon nina mame nang mag-away na naman sila ni dade.
Reychelle,mame,Darlene(bunsong kapatid)
Hindi na ito ordinaryong away gaya ng dati. Nag-sumbong na si mame kina lola at agad namang pumunta sina lola sa Batanggas para kaunin sila at naiwan doon si dade. Nang makita ko si mame, ang dame nyang pasa sa katawan lalo na sa mukha. Kaya naman sobra na lang ang pag-kamuhi ko kay dade. Ang tagal ding namalagi nina mame sa'men pero bumalik pa din sila sa Batanggas kasi doon napasok ang kapatid ko. Sobra na lang ang lungkot na naramdaman ko noon, buti na lang mayroon akong kaibigan na nag-palakas ng loob ko at walang sawang gumawa ng paraan para mapasaya ako. Sila ang JERSAJ.
Pagkaraan naman ng ilang buwan, nagkapatawaran pa din ang magulang ko at mas tumibay pa ang relasyon nila.
Nang mag-3rd year na ako, sa Dizon pa din ako napasok. Mas sumaya ako kasi ang dami kong naranasan na hindi ko pa nararanasan noon. Feeling ko pati kilala ko ang sarili ko kapag kasama ko ang A lalo na ang mga kaibigan ko. May dumagdag pati sa barkada namen, dating JERSAJ nging JERSSAJ na.
Nang mag-4th year naman ako, mas sumaya pa. Ang daming events sa school na hindi ko talaga makakalimutan. Sci-camp, fieldtrip, pati JS. 
Ngunit hindi ko maaalis sa isipan ko na isang buwan na lang ay lilisanin na namin ang pangalawang tahanan na talaga namang minahal ko. Ngunit kahit ganon, masaya pa din ako dahil naging parte ako ng Dizon High at aalis akong may ngiti sa mukha at baon ang mga mahahalagang taong nakilala ko sa paaralang ito

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento