Sabado, Pebrero 19, 2011

Ang Talambuhay ni Anjanette Padilla Posada(Ang aking naging Makulay Ang Buhay)

Noong ako ay 3 buwan
 Sabi ng Mama ko noong ipapanganak daw niya ako ay hirap na hirap siya,natagalan daw bago ako nailabas sa kanyang sinapupunan.Noong naipanganak na daw ako nagkaroon daw ako ng sakit na sa tuwing ako daw ay naubo noong tatlong buwan palang ay nangingitim daw ako kaya dinala nila ako sa ospital at nalaman nila na may sakit daw ako noon ng mild asthma pero hindi nagtagal ang sakit na yun sa akin gumaling agad ako.Kaya ito na ang pagsisimula ng aking talambuhay.

                              Ako si Anjanette Padilla Posada na pinanganak noong ika-15ng taong 1995 na ang pangalan daw dapat ay Judy Ann kasi paborito daw siya ni mama noong pinagbubuntis niya ako pero Anjanette pa din pinili nilang pangalan para sa akin pero inaasar namn ako ng iba na si Anjanette Abayari daw ako .Sa ospital ng lungsod ng San Pablo ako iniluwal ng aking ina.Ang mga magulang ko ay sina Anaclito Posada Jr. na Bicolano at si Wilma Posada na laking San Pablo.May tatlo akong mga kapatid sila ay puro mga lalaki sila ay sina Jerwin,John Rosbelt at ang bunso na si Jezreel.Lahat sila ay mga nagsisimula sa "J" ang pangalan at namumukod tanging ako lamang ang hindi, dahil ako ay nagiisang babae sa aming magkakapatid.Sa aming magkakapatid pangatlo ako sa panganayna dapat ako na ang bunso kaso sa pagmamahalan ng aking mga magulang naging apat na kami at hindi na ako ang naging bunso.
noong inilibing ang aking mamay.
Sa aming lahi bihira lamang ang magkaroon ng babae kasi sagana sa lalaki ang lahi namin kaya mga pinsan ko puro lalaki buti nalang hindi ako naging tomboy.Madami akong tiyahin na nasa ibang bansa at sila ang tumutulong sa amin para makapagtapos ng pagaaral.

Natatandaan ko pa noong bata pa ako nagkaroon ako ng kaibigan,nagkaaway kami dahil sa napadugo ko yung daliri niya kaya dahil doon pinagbawalan na kami ng aming magulang na magkita saka nagalit yung kaibigan ko sa akin pero hindi ko naman yun sinasadya saka gumanti pa siya noon kaya lalo kaming nagkaaway.


limang taon ako sa larawan na iyan.
Noong dati namang magpapasko ,nagkaroon ako ng sugat sa mukha kasi naglalaro kami noong mga kababata ko sa bahay namin tapos naitulak niya ako sa pader tapos yung pader na kung saan niya ako tinulak ay matalas kaya nagkasugat yung mukha ko.
pitong taon na ako sa larawan na iyan.
Nung pasukan na noon lagi ko tinatakloban yung mukha ko kaya nung napansin ng guro ko na kung bakit lagi ako nagtataklob ng mukha tiningnan niya ito tapos napahiya ako kasi tinanung niya kung bakit sa dami ng pede masugat bakit pa daw sa mukha ko pa naisipan.Makalipas ng ilang buwan sa tuhod naman ako nagkaroon ng malaking sugat at ayon ay kasalan ng Mama ko.Nung awasan kasi namin masyadong magmamadaling umuwi yung mama ko tapos doon pala sa dinadaanan namin ay may malaking bato natalisod ako doon tapos nadapa kinakaladkad na kasi ako ni Mama,kaya nung napasok ako lagi ko nilalagyan ng panyo yung tuhod ko kasi baka langawin at maimpeksyon kaya mas maigi nang lagyan nung panyo kaysa magkaskit dahil na sugat.

                                             Nagsimula  ako magaral sa edad na 5 kaya dalawang beses ako pinagaral ng aking ina sa kinder garten.Nakakatuwa noon kasi yung una kong nagkinder ganun din ginawa ko nung pangalawang beses na ko nagkinder.Kaya naman ako pinagaral ng mama ko ng dalawang beses sa kinder kasi halos parehas lang naman daw ang mga gagawin at pagaaralan kapag nagdaycare pa ako.Noong nasa ika-unang baitang na ako kamuntik na akong magkaroon ng sabit na medalyon kaso mas mataaas ang point ng kaklase ko sa grade ko ang lapit lang ng pagitan kaso hindi ako pinalad.Pero para sa akin ayos lang kasi alam ko sa sarili ko na may galing din naman ako.Tapos dati daw natayo daw ako sa mesa ng eskwelahan namin pero ang totoo hindi naman talaga tunay yun.


                            Noong nasa ikaw-dalawang batang na ako natatandaaan ko pa na ak ay sinugod ng tatay ng kaklase ko kasi tinatarayan ko yung anak niya.Nagulat at natakot ako noon pero ang mahalaga pinagsabihan lang ako nung tatay ng kaklase ko na wag tarayan anak niya kasi iyakin daw yung anak niya masyado.Tapos noong nasa ika-tatlong baitang na ako bumaba grades ko doon ewan ko nga ba kung bakit pero nasisigurado ko na mababa lang talaga magbigay ng grado ang guro ko noon.
nagkaroon ako ng bagong kapatid.
                     
  Noong nasa ika-apat na baitang ako nagkaroon ako ng bagong kapatid siya ang bunso kaya apat na kaming magkakapatid 
at sa ika-lima namang baitang naging achiever ako pero hindi ko inaakala kasi may mas magagaling pa sa akin pero natutuwa ako kasi nagkaroon ako ng sabit.Pero noong nasa ika-limang baitang ako nagkaroon noon ng pangyayari na nakakatakot.May matandang babae na sumugod sa aming room na galit dahil kinukutya siya noong kakalase ko.May dala yung babae ng karayom na napakalaki na gusto ata itusok sa amin.Nagsitago kami nung nakita namin yun nagsiiyakan na din dahil sa takot pero buti na lang dumating na yung guro namin kaya nakaligtas kami sa nakakatakot na babae.Pero sinermonan ng guro ko yung kaklasi ko kasi kinutya nila yung babae.At ang taong ding ito namayapa ang mahal kong lolo.Masakit sa amin ang pagkamatay ng aking lolo.Siya ang lolo ko na talagang aking kaclose dahil ang lolo ko sa bicol ay malayo sa amin kaya di ko siya gaanong kilala.
                         Nang nasa ika-anim na baitang na ako naging 3rd honorable mention ako.Nakapagtapos ako ng pagaaral sa Paaralan ng  Elemtarya ng San Diego.
Nang nasa hayskul na ako sa paaralan ako ng Col.Laro D. Dizon Memorial National Highschool ako pumasok.1st year,unang pasukan,wala akong mga kakilala kundi yung mga dati ko lang na kaklase sa elementarya ang kilala ko kaya nahihiya pa ako noon.pagdaan ng mga araw nagkaroon na ako ng madaming kakilala pati mga kaibigan na din. Nagkaroon ako ng grupo na pinangalanang JERSAJ!!.
             Nung 1st year kami muntik na kami mafaculty kasi nakita yung kaklasi kong lalaki na tinaasan ng palda yung babae kong kaklase nadamay kami noon dahil sa pangyayari na yun.Dalawa lang kami sa aming magkakabarkada na napasama sa gusot na yun yun ay ako at si Sharmain Montefalcon.Pero pasalamat pa din ako na mabait pa din yung adviser namin na si Mrs.Aleli Juliano.
                           2nd year.Naging napakalungkot ng taon na yun sa akin.Nagkawatak-watak kaming magkakabarkada.Ako ay napahiwalay sa kanila dahil sa pangyayaring nang iwan sila.Masakit yun sa akin kasi nagiisa lang ako na naiwan sa gym ng cental dahil sa paguutos ng aking guro sa Araling Panlipunan na magcheck ng attendance bago magalisan eh ang kaso noon yung mga kaibgan ko dire-diretso na umalis at naiwan ako,hindi ko na sila natawag noon dahil nasa labas na sila.Kada nagkikita kami sa room nagiiwasan lang kami,tuwing gabi nga naiyak ako kasi hindi ko matanggap na dahil sa pangyayari na yun ay nagkalamat ang aming pagkakabigan.Hanggang sa matapos na ang taon hindi pa din kami magakakabati.

CLASS PICTURE NAMIN NOONG 3RD YEAR.
 3rd year.Sa taong ito naging buo na ang aming pagkakaibigan at naging masaya na ulit ak.Mahirap pala malayo sa mga kaibigan mo lalo na't alam mong malapit naman sila sa aking tabi.Ito din ang taong kung saan naranasan ko nang makasali sa 'JS PROM'pati nagsci camp kami.Masaya din pala sumali sa mga ganon,may nagsasayaw sayo,magkakasama matulogat may picturan pang nagaganap.Noong taong ding ito ako nagkaroon ng mataas na mga marka pero di naman talaga kataasan sapat lang para sa akin.Dito din nagumpisa ang mga katamaran naming magaral lagi nang asa dito at bahala na,pero sa kabila ng ganoong ugali namin naging section A pa din kami kaso may iba pa ding nawala pero may iba namang nadagdag.

eto na ako ngayon.ayos di ba ?
4th year.Ang huling taon ko bilang buhay hayskul,naging pito na kaming magkakabarkada at naging JERSSAJ(Jelyn Joy Llagas,Elaine Malaluan,Reychelle Populi,Sharmaine Montefalcon,Shiara Mae Sabirin,Anjanette Posada at Jazzy Caputulan) na talaga kmi,mas napakasaya ng taon na ito.Kasi madami kaming mga napanalunan na paligsahan tulad ng Cheerdance competion na 1st runner up,christmas dance competion na 1st kami.Sa bawat pagkapanalo namin ay palagi kaming hindi makapaniwala dahil kada praktis kasi namin palaging gusto ay uwian at palaging mga madaming reklamo pero dahil sa talagang magaling naman kami palagi namang napapanalo ang mga sinasalihan naming kompetisyon.Kaya ngayong malapit na kami magtapos nakakalungkot magkakahiwahiwalay na kaming mga magugulo,maiingay,matatapat,matatalino pati magaganda't poging 4-ABLAZE !!.Pero hindi dito magtatapos ng yugtong aming buhay dahil sa darating na buhay kolehiyo namin mas madaming pagsubok at ibang tao na ang makakasalamuha namin.Kaya nagpapasalamat pa din ako kasi nakilala ko sila at napakamakulay ng naging buhay ko sa hayskul dahil din sa tulong nila at sa maaaring pagpapatuloy ng magiging panibago kong buhay madami akong nais at pangarap para sa sarili ko maging sa pamilya ko.Gusto ko muna matulungan ang magulang ko at makaipon ng pera para sa knabukasan ko kung magaasawa ako.At dito na ang katapusan ng aking makulay na talambuhay.

MARAMING SALAMAT SA PAGBASA =)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento