Sabado, Pebrero 19, 2011

The story you ever heard before
Talambuhay Ni Darryl Louis B. Carillo

Bago ko simulan ang sking makulay na maaari ninyong mapulutan ng magandang aral ay pinasasalamatan ko ang aking pinakamamahal na mga magulang na nagmamahal, nag-aalaga, nagpapaaral ,at bumuhay sa akin pati na rin sa mga kapatid ko.

This is me when I was a baby
This is me when i was a baby
Ako nga pala si Darryl Louis Bague Carillo, isinilang sa San Pablo,Laguna noong Nobyenbre 24, 1995. Bunga ng mabuti at masayang pagsasama ng aking mga magulangna sina Armando Bingua Carillo na mula sa lalawigan ng Quezon at si Maria Luisa Alcantara Bague na nagmula rito sa San Pablo,Laguna. Tatlo kami sa magkakapatid na lalaki. Panganay ako sa dalawa ko pang mga kapatid. Ito ay sina Johnlerry Bague Carillo at si Zane Ivan Bague Carillo.

Mahigit ilang taon na rin ang lumipas mula nang ako ay isinilang, marami na ring kuwento ang naranasan. Masyado akog makulit at pasaway noong ako ay aliit pa ang mga marka o peklat sa aking katawan ay mayroong kuwento na pinagmulan. Tulad na lang ng marka ko sa kaliwang binti, dahil nga sa kakulitan, ako ay nadapa sa mga bubog at isinugod agad sa osptital. Isa pa ay ang marka sa aking ulo, dahil ito sa pakikipaglaro sa aking pinsan ng tulakan. Ako ay napahiga at tumama ang aking ulo sa kantuhan ng aming pintuan, maigi na lang at hindi ako nagka mayroon ng amnesia. Isa pa ay ang marka sa aking kanang paa, ito ay dahil noong ako ay nasa elemantarya, ika-limang baitang noong ako, kasama ng aking mga kaibigan ay naghahanap ng gagamba sa bundok nang nadali ang aking kanang paa sa sa alambre, masyado akong natakot sa maaring mangyari, ngunit ito ay naagapan kaagad.

This are my classmates in Grade 6
Tandang-tanda ko pa ang paaralan namin noong ako ay nasa elementarya pa. Natatandaan ko ang mga kalokohan at kakulitan ng aking mga kamag-aral pati na rin ng mga kaibigan ko. Naglalaro, naghahabulan, football ang paborito naming laruin noong kami ay nasa elementarya pa lamang. Nagkaroon din ako ng mga kaibigan. Sina Joden, na hanggang sa high school ay kamag-aral k pa rin, si Herries, si Justine, si Joshua, na pinsan ko, si Aldrin, si Arjay at marami pang iba.

Me and my mother and father
Kahit hindi ako kabilang sa mga honor student ay may angking talino pa rin. Pagguhit ang akin talento ngunit hindi ko alam kung saan ko namana ang talentong ito,. Ang nanay ko ang nagturo sa akin ng abakada at matematika. Magaling din pagdating sa pagguhit ang aking pangalawang kapatid na si Johnlerry, siguro ay namana sa akin.

Pagkatapos ko mag-aral sa elementarya ay tumuntong ako sa sekundarya sa paaralan ng Col. Lauro D.Dizon Memorial National High School. Hindi ko inaakala na madali lang aking pag-eenroll ko dahil tinulungan ako ng Punong-guro ng San Pablo Central School.

Araw na ng pasukan, hindi rin ako makapaniwala na nabilang ako sa Section-A, pangalawa sa pinakamataas na section sa Dizon High. Naging kaklase ko uli si Joden. Halos wala akong makausap noon maliban sa kanya. Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan, sina John Rafael, Gimuelle, Axl, Edrian, Mark David, Nickdel, Norlan, Edelito, Aaron, Roiat si Renz. Pagtungtong ko naman sa ikatlong taon ay may bago akong nakilalang mga kaibigan, sina Jansen, Leo at si Steven. At sa ika-apat na taon ay sina Kevin, Jerriechris, Earl, Paul John, at si Wilbert Kahit sa tagal ng pagsasama ng kamag-aral ko sa elementarya ay mas maganda ang naranasan ko sa sekundarya, sabi nga nila, mganda raw ang High School life at totoo nag ito.

My classmates in 3rd year
Marimi akong magandang karanasan sa High School, tuladna lang ng pamimista namin sa bawat bahay ng ilang kakalase ko, una ay kina Gimuelle. Sunod ay namista sa amin ang mga kaklase ko. Umakyat kami mg bundok sa amin, nakita ang magagandang tanawin. Tnda ko noong si Jansen ay naglabas ng masamang hangin noong kami ay umakyat kami. Sunod ay kina Edelito. Masyadong mahumaling sa peryahan lalung-lalo na si Edelito. Mamamangka sana kami sa Bunot Lake ngunit pinagbawalan kami dahil marami daw ang namamatay  doon dahi sa pagkalunod.
My younger brother, Johnlerry
Natuto akong tumugtog ng gitara noong ako ay nasa ika-apat na taon na. Nagbuo kami ng banda. Kasama ko sina Leo, John Rafael, Steven, Kevin at si Joden. Nakakailang praktios na kami ngunit sa bandang huli ay hindi rin kami nakasali sa Concert dahil umayaw si Kevin, ang aming Drummer. Nakakalungkot naman dahil minsan lang kami sumali sa ganung paligsahan at ito pa ang huling taon ng pagsasama namin.

Ngunit sa likod ng pag-aaral ko ay may mga pangyayari ang hindi inaasahan. Tulad na lang noong nawalan ako ng cellphone noong ako ay first year pa lang dahil sa kapababataan. Sa sobrang humaling sa paglalaro sa computer ay naiwan ko ito. Pagbalik ko ay nawala na. Nagalit sa akin anga mga magulang ko noon.

Isa pa ay noong muntikan nang maghiwalay ang aking mga magulang dahil sa hindi pagkakaunawaan.
My youngest brother, Zane Ivan

Isa pa ay noong nasunog ang pabrikang pinagtatrabahuhan ng ama ko. Naghirap kami dahil siya lamang ang nagtataguyod sa amin sa araw-araw. Inaayos nang muli ang pabrika. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay naaksidente ang aking ama. Kasama kasi siya sa pagkukumpuni ng pabrika. Nalaglagsiya mula sa kisame ng ginagawang pabrika. Salamat sa Diyos at hindi naman lubha ang nangyari sa kanya. Nabali ang kanyang kanang kamay. Dinala siya sa ospital at sainamentuhan ang kanyang kanang kamay. Halos wala na kming mapagkukuhanan ng sapat na pera. Buti na lang at myroon akong mga tiyo at tiya na tumutulong sa amin noong panahong iyon. Makalipas ang ilang buwan ay gumagling na ang kanyang kanang kamay. Napagsusulat na niya ito tulad ng dati at nakakapagtrabaho nang mulisiya sa pabrika.

Sa kabila ng mga malulungkot na pangyayaring ito ay mayroon namang magagandang nangyari  sa akin sa buhay. Tulad noong pumunta kami sa Apalit,Pampanga upang Bisitahin ang aming kamag-anak namin doon. Doon nakatira ang Tita Myrna ko, asawa ng kapatid ng ama ko. Ang mga anak niya sina kuya Tonton, kuya Macmac, Angela at Alex . Naranasan ko ang buhay probinsya dahil sa masarap na simoy ng hangin, walwng masamang usok na nanggagaling sa mga sasakyan. Nakilala ko rin ang basketbolisata ng PBA na si Aljamal, pamangkin ni Tita Myrna. Nakausap ko rin ang Tito Thony ko mula sa ibang bansa. Masaya ang buhay ko doon. Pag-uwi namin ay sumama ang kuya Macmac ko upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng kolehiyo sa LSPU. Ngunit tumigil dahil sa masamang impluwensiya nag masamang bisyo. Napagpasyahan ng mga magulang ko na pauwiin siya sa Pampanga upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral doon.

Isa pa ay ang pagdiriwang ng kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon. Nagkaroon kami ng kaunting salu-salo. At pinagmasdan ang mganaggagandahang mga paputok sa langit. Naging masaya kami at nagkaroon kami ng Christmas Party sa amin. Nagkaroon ng palaro at kantahan.

At muli, pinasasalamatan ko ang aking mga magulang pati na rin sa nga nakilala ko, nakasama at naging kaibigan. Sana ay maulit muli ang mga magagandang pangyayari sa buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento